24 Agosto 2024. Ang Pasuguan ng Pilipinas sa Ehipto ay nagsagawa ng pagtitipon para sa mga Pilipino sa Cairo upang ipagdiwang ang Buwang ng Wika ngayong 2024. Ang tema ngayong taon ay “Filipino: Wikang Mapagpalaya.
May ilang Filipino na nagpakita ng kanilang talento sa pagkanta, pagsayaw, at pagbigkas ng tula. Nagkaroon din ng pagalingan at pabilisan na sumagot ng mga tanong ukol sa kasaysayan ng wikang Filipino at mga karaniwang bugtong.
Ang Pasuguan, kahalili ang Komisyon ng Wikang Pilipino, ay itinalaga upang ipalaganap ang wikang Filipino sa pamamagitan ng mga pag titipon ng Pilipino. Ang layunin ng mga programang tulad nito ay ipakilala ang Wikang Pambansa sa mga Pilipino na pinanganak at lumaki sa Ehipto, pati na rin sa mga matagal na wala sa Pilipinas.END
Comentários