Simula noong Abril 2023, idineklara ng Gobyerno ng Pilipinas ang ALERT LEVEL 4 o Mandatory Evacuation sa mga rehiyon sa Sudan na kasalukuyang apektado ng mga kaguluhan.
Walong daan at apatnapu't pitong (847) Pilipino na ang ligtas na nakalikas mula sa Sudan sa tulong ng Gobyerno ng Pilipinas.
Patuloy ang paghikayat ng gobyerno sa mga Pilipinong nasa Sudan na lumikas na sa lalong madaling panahon.
Ang mga Pilipinong nais makatanggap ng tulong upang makaalis ng Sudan ay dapat agarang makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Cairo:
Mobile/SMS/WhatsApp: (+20) 122 743 6472
Facebook/Messenger: PHinEgypt
Hinihiling din na mag-abiso sa Embassy ang lahat ng mga Pilipinong magsasagawa ng kanilang personal na paglikas o pagbiyahe pauwi ng Pilipinas.
Pinapayuhan naman ang mga Pilipinong nananatili sa Sudan na ipaalam sa Embassy ang kanilang mga updated na impormasyon, tulad ng detalye ng kanilang amo at lugar kung saan nagtra-trabaho, contact ng mga kamag-anak, at mga dokumento gaya ng pasaporte, residence visa, atbp.-END
Comments