top of page

ADVISORY: PAALALA SA MGA KABABAYANG NAKATIRA SA SUDAN

  • Writer: Philippine Embassy in Cairo
    Philippine Embassy in Cairo
  • Apr 16, 2023
  • 1 min read

15 April 2023. Pinapayuhan po ng Embahada ang lahat ng mga kababayan sa Sudan na pag-ibayuhin ang pag-iingat at limitahan ang paglabas-labas sa mga lansangan kung saan may nagaganap na kaguluhan.


Makabubuti rin na maging mapagmatyag at sundan ang mga kaganapan sa pamamagitan ng panonood, pakikinig o pagbabasa ng mga balita.


Mangyari rin na ipaalam sa Embahada ang anumang impormasyon tungkol sa kababayan na naapektuhan ng kaguluhan, sa pamamagitan ng pagtawag sa Assistance-to-Nationals (ATN) hotline (+20) 122 743 6472, o pagmessage sa aming Facebook page (FB: PHinEgypt).


Maaari ring makipag-ugnayan sa ating Konsulado sa Khartoum: phil.cons@elnefeidigroup.com o (+249) 91 239 9448


Maraming salamat po.




Comentarios


©2021 by Philippine Embassy in Cairo. Proudly created with Wix.com

  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram
bottom of page